Home Guide Complete 100 Questions + Answers: LTO Exam Reviewer (TAGALOG)

Complete 100 Questions + Answers: LTO Exam Reviewer (TAGALOG)

100-questions-and-answers-lto-exam-reviewer-tagalog

Planning to get or renew your license? Here are 100 LTO Exam Reviewer questions with answers in TAGALOG. For easier navigation, press CRTL+F to find specific questions.


Find the ENGLISH LTO Exam Reviewer here: Complete 100 Questions + Answers: LTO Exam Reviewer (ENGLISH)


  1. Habang nagmamaneho, dapat kang tumingin sa side at rear view mirror nang:
    • Mabilis/Madalian
    • Hanggang gusto mo
    • Hindi kukulangin sa isang minuto
  2. Maaari kang lumusot (mag-overtake) sa kanang bahagi ng sasakyan kung:
    • Ang highway ay may dalawa o higit pang linya patungo sa isang direksyon
    • Ang kalsada ay salubungang-daan (two-way)
    • Malapad ang bangketa
  3. Ang mahuhuling lasing sa alak o gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay may parusang:
    • Pagkasuspinde ng lisensya
    • Multa at pagkabilanggo
    • Tama lahat ang sagot
  4. Bago umalis sa paradahan, dapat mong:
    • Suriin ang paligid bago magpatakbo
    • Bumusina
    • Magpatakbo kaagad
  5. Ang tamang gulang sa pagkuha ng lisensyang Non-Professional ay:
    • 18 taong gulang
    • 16 taong gulang
    • 17 taong gulang
  6. Matapos kang lumampas (mag-overtake) at nais mong bumalik sa pinanggalingang linya nang ligtas, kailangan mong:
    • Tingan sa “rear view mirror” ang iyong nilagpasan
    • Lumingon sa nilagpasan
    • Huminto
  7. Sa isang interseksyon na may STOP sign, dapat kang:
    • Magmarahan at magpatuloy kung walang panganib
    • Huminto at magpatuloy kung walang panganib
    • Magbigay daan sa mga sasakyan mula sa kanan o kaliwa at magpatuloy kung walang panganib
  8. Ang pagkakaroon ng lisensya ay isang:
    • Karangalan
    • Pribilehiyo
    • Karapatan
  9. Ang lisensyang Non-Professional ay para lamang sa:
    • Mga pribadong sasakyan
    • Pampasaherong sasakyan
    • Anumang uri ng sasakyan
  10. Ano ang dapat mong ihanda kung malayo ang biyahe?
    • Maghanda ng kagamitang pangkumpuni ng sasakyan para handa kung masiraan ng sasakyan
    • Planuhin ang ruta at ikondisyon muna ang sasakyan
    • Tama lahat ang sagot
  11. Kung paparada ng paahon sa may bangketa, dapat mong ipihit ang gulong:
    • Papuntang bangketa
    • Papalayo sa bangketa
    • Kahit anong direksyon
  12. Ang sasakyan ay nakaparada (parked) kung:
    • Nakatigil nang matagal at nagsasakay ng pasahero
    • Nakatigil nang matagal at nagbababa ng pasahero
    • Nakatigil nang matagal at patay ang makina
  13. Ano ang kahulugan ng patay-sinding kulay pulang ilaw trapiko?
    • Maghintay ng berdeng ilaw
    • Bagalan ang takbo at tumuloy nang maingat
    • Huminto at magpatuloy kung ligtas
  14. Anong dapat gawin bago lumiko sa kanan o kaliwa?
    • Biglang lumiko at bumusina
    • Magbigay ng hudyat o senyas na hindi kukulangin sa 30 metro ang layo
    • Ipagwalang-bahala ang hudyat
  15. Sa paglipat-lipat ng linya, dapat kang sumenyas, tingnan ang rear view mirror at:
    • Tingnan kung may paparating na sasakyan
    • Bumusina
    • Sindihan ang headlight
  16. Sa highway na may dalawang guhit, maaari kang lumusot (mag-overtake) kung sa iyong panig ay:
    • Tuluy-tuloy na puting guhit
    • Putul-putol na dilaw na guhit
    • Tuluy-tuloy na dilaw na guhit
  17. Ang hindi pagsunod sa ilaw trapiko ay:
    • Nagpapatunay na mahusay kang drayber
    • Maaaring ikaw ay masangkot sa aksidente
    • Nakakatipid sa gasolina
  18. Mapanganib ang palikong kaliwa kaysa sa kanan sapagkat:
    • Mabilis ang sasakyang galing sa kaliwa
    • Kailangang maging listo sa mga sasakyang nagmumula sa kaliwa o kanan
    • Maraming linya ang kalsada
  19. Ang pinakaligtas sa ultimatum kahit may karapatan sa daan ay:
    • Huwag ipilit ang karapatan
    • Bumusina
    • Laging ipilit ang karapatan
  20. Sa rotonda, alin ang may karapatan sa daan?
    • Ang sasakyang papasok pa lamang sa rotonda
    • Ang sasakyang nasa paligid ng rotonda
    • Ang sasakyang nakaharap sa berdeng ilaw
  21. Hindi dapat lumusot (mag-overtake) sa paanan ng tulay sapagkat:
    • May tumatawid
    • Hindi nakikita ang kasalubong na sasakyan
    • Makipot ang daan
  22. Ano ang kahulugan ng patay-sinding dilaw na trapiko?
    • Magmarahan at magpatuloy kung walang panganib
    • Huminto at hintaying magbago ang ilaw
    • Hintayin ang berdeng ilaw
  23. Ano ang kahulugan ng tuluy-tuloy na guhit na kulay dilaw?
    • Maaaring lumusot (mag-overtake)
    • Bawal lumusot
    • Tama lahat ang sagot
  24. Ayon sa batas, hindi ka maaaring magmaneho nang matulin, maliban kung:
    • Walang panganib
    • Naaayon sa takdang bilis o tulin ang pagpapatakbo
    • Tama lahat ang sagot
  25. Ang isang may lisensya ay maaaring magmaneho ng:
    • Kahit anong uri ng sasakyan
    • Sasakyang nakasaad sa lisensya
    • Pampasaherong sasakyan lamang
  26. Kung ang nakasalubong mo ay may nakakasilaw na ilaw, ano ang dapat mong gawin?
    • Silawin din ang nakasalubong upang magbaba ng ilaw
    • Tumingin ng bahagya sa gawing kanan ng kalsada
    • Titigan ang nakakasilaw na ilaw
  27. Kung parating ka sa isang kurbada, ano ang dapat mong gawin?
    • Magmarahan/bagalan ang takbo bago dumating sa kurbada
    • Bilisan ang takbo habang nasa kurbada
    • Magpreno nang bigla habang tumatakbo sa kurbada
  28. Ano ang kahulugan ng senyas trapikong kulay pula na tatsulok ang hugis?
    • Nagtatakda
    • Nagbibigay babala
    • Nagbibigay impormasyon/kaalaman
  29. Ano ang kahulugan ng senyas trapiko na kulay asul at puti na parihaba o parisukat ang hugis?
    • Nag-uutos ng direksyon
    • Nagbibigay babala
    • Nagbibigay impormasyon/kaalaman
  30. Ano ang kahulugan ng senyas trapiko na kulay pula na pabilog, octagon o baligtad na tatsulok?
    • Nagtatakda o nagbabawal
    • Nagbibigay babala
    • Nag-uutos ng direksyon
  31. Ano ang kahulugan ng berdeng ilaw trapiko?
    • Senyas upang patakbuhin ang sasakyan
    • Huminto sa nakatakdang linya
    • Maaari kang tumuloy, bagalan lamang ang takbo
  32. Ano ang kahulugan ng patay-sinding ilaw na pulang ilaw trapiko?
    • Huminto sa nakatakdang linya
    • Huminto sandali at ituloy ang pagpapatakbo kung walang panganib
    • Bilisan ang pagpapatakbo
  33. Ano ang kahulugan ng dilaw na signal trapiko?
    • Huminto
    • Humanda sa paghinto at malapit nang sumindi ang ilaw trapiko na kulay pula
    • Maaari kang tumuloy, bagalan lamang ang pagpapatakbo
  34. Ano ang kahulugan ng berdeng signal trapiko?
    • Patakbuhin nang tuluy-tuloy ang sasakyan
    • Huminto
    • Bagalan ang pagpapatakbo
  35. Ano ang ibig sabihin ng berdeng palaso na signal trapiko?
    • Hindi pinapayagan ang pagpasok sa interseksyon na itinuturo ng palaso
    • Nagpapahintulot sa mga sasakyan na kumaliwa o kumanan
    • Nagpapahintulot sa pagtawid ng mga taong tatawid
  36. Ano ang kahulugan ng dilaw na palasong signal trapiko?
    • Naghuhudyat ng pakanan o pakaliwang direksyon
    • Nangangahulugan na ang pulang palaso na signal trapiko ay malapit nang sumindi
    • Nagpapahintulot sa mga sasakyan na kumanan, kumaliwa o dumiretso
  37. Ano ang ibig sabihin ng puting linya sa daan?
    • Naghahati sa mga “lanes” na tumatakbo sa isang direksyon
    • Naghihiwalay sa trapiko na tumakbo sa isang direksyon
    • Palatandaan na maaaring lumusot ng pakanan o pakaliwang direksyon
  38. Ang dilaw na linyang putul-putol ay palatandaan na:
    • Pinapayagan ang paglusot sa kanan
    • Ipinagbabawal ang paglusot sa kanan o kaliwa
    • Pinapayagan ang paglusot sa kaliwa
  39. Ang puting linyang putul-putol ay palatandaan na:
    • Maaaring lumusot pakaliwa o pakanan kung walang peligro
    • Ipinagbabawal ang paglusot sa kaliwa
    • Ipinagbabawal ang paglusot sa kanan
  40. Kailan dapat magdesisyon ang isang drayber?
    • Kung buhul-buhol na ang trapiko
    • Kung mahusay siyang magmaneho
    • Habang siya ay nagmamaneho
  41. Ang dalawang dilaw na linya na tuluy-tuloy ay palatandaan na:
    • Maaaring lumusot pakanan
    • Peligroso ang lumusot pakanan
    • Maaaring lumusot pakaliwa
  42. Kung ang drayber ng sasakyan na nasa unahan mo ay naglabas ng kaliwang kamay at inunat ito paitaas, nakakatiyak ka na siya ay:
    • Kakaliwa
    • Kakanan
    • Hihinto
  43. Kailangang magbigay ng senyas kung kakanan o kakaliwa ang drayber sa darating na interseksyon sa layong:
    • 15 metro
    • 60 metro
    • 30 metro
  44. Kung gusto mong magpalit ng lane sa highway, kailangang magsignal:
    • Sampung segundo bago gawin ito
    • Limang minuto bago gawin ito
    • Isang minuto bago gawin ito
  45. Sa naka-motorsiklo na may balak lumiko pakanan, ang dapat gamitin na senyas ay:
    • Kaliwang kamay na nakataas
    • Kanang kamay na diretsong nagtuturo pakanan
    • Kanang kamay na nakataas
  46. Ang kailangang distansya sa pagitan ng sinusundang sasakyan ay:
    • Sinlaki ng sukat ng dalawang sasakyan
    • Sinlaki ng sukat ng isang sasakyan
    • Sinlaki ng sukat ng tatlong sasakyan
  47. Saang lugar hindi ka dapat lumusot (mag-overtake)?
    • Sa sangandaan o interseksyon
    • Sa paanan ng tulay
    • Tama lahat ang sagot
  48. Ang paggamit ng huwad (fake) na lisensya ay ipinagbabawal at may parusang:
    • Php 1,500.00 at anim na buwan na hindi makakakuha ng lisensya
    • Pagkabilanggo nang hindi hihigit sa anim na buwan
    • Php 300.00
  49. Ano ang dapat gawin kung pinahihinto ng pulis?
    • Huminto at ibigay ang lisensya at ibang papeles ng sasakyan kung hinihingi
    • Huwag pansinin ang pulis at bilisan ang pagpapatakbo
    • Huminto at makipagtalo sa pulis
  50. Ang dalawang dilaw na linya na putul-putol ay palatandaan na:
    • Ipinagbabawal ang paglusot sa kaliwa
    • Maaaring lumusot ng pakanan o pakaliwa kung walang peligro
    • Ipinagbabawal ang paglusot sa kanan
  51. Kung ang drayber ng sasakyan na nasa unahan mo ay naglabas ng kaliwang kamay na nakaturo sa kaliwa, siya ay:
    • Kakanan
    • Hihinto
    • Kakaliwa
  52. Kung umilaw ang “brake lights” ng sasakyang nasa unahan mo, dapat kang:
    • Bumusina
    • Humanda sa pagpreno
    • Lumiko sa kanan o kaliwa
  53. Ang busina ay ginagamit upang:
    • Makalikha ng ingay
    • Iparinig na maganda ang tunog ng busina
    • Makapagbigay babala ng kaligtasan o pag-iingat upang maiwasan ang aksidente
  54. Kung masangkot sa isang sakuna, dapat itong ipagbigay-alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya:
    • Sa loob nang 72 oras
    • Kaagad-agad
    • Sa loob nang 48 oras
  55. Ang kailangang gulang sa isang aplikante sa pagkuha ng Professional Driver’s License ay:
    • 18 taong gulang
    • 17 taong gulang
    • 21 taong gulang
  56. Ang pinakaligtas na tulin ng isang sasakyan ay naaayon sa:
    • Kondisyon ng kalsada at panahon
    • Kakayahan ng sasakyan
    • Kakayahang magmaneho ng drayber
  57. Ano ang dapat mong gawin upang malabanan ang pagod at antok sa mahabang biyahe?
    • Uminom ng alak bago magmaneho
    • Huminto paminsan-minsan at magpahinga
    • Uminom ng gamot na pampapigil ng antok
  58. Ang isang drayber ay itinuturing na Professional kung:
    • Kaya niyang magmaneho ng kahit anong uri ng sasakyan
    • Siya ay inuupahan o binabayaran sa pagmamaneho ng sasakyang pribado o pampasahero
    • Siya ay bihasa na sa pagmamaneho
  59. Sa isang sangandaan/interseksyon na walang senyas trapiko, dalawang sasakyan ang dumarating sa magkabilang kalye, aling sasakyan ang dapat magbigay?
    • Ang unang dumating
    • Ang unang nagmarahan
    • Ang huling dumating
  60. Kung ang drayber ng sasakyang nasa iyong unahan ay naglabas ng kaniyang kaliwang kamay at itinuro ito sa lupa, siya ay:
    • Hihinto
    • Kakanan
    • Kakaliwa
  61. Kung ikaw ay nahuli, ilang araw ang palugit upang maayos ang iyong kaso at matubos ang lisensya?
    • 30 araw
    • 15 araw
    • 10 araw
  62. Ano ang takdang tulin ng isang sasakyan sa lugar ng paaralan?
    • 35 kph
    • 20 kph
    • 30 kph
  63. Saang lugar hindi maaaring pumarada?
    • Sa lugar na tawiran ng tao
    • Sa nakatakdang paradahan
    • Sa isang patunguhang lugar
  64. Sa highway, kung nais mong magpatakbo ng mabagal kaysa sa iba, dapat kang gumawi sa:
    • Kanang linya
    • Kaliwang linya
    • Gitnang linya
  65. Ano ang dapat gawin ng isang drayber kung ang lisensya niya ay nawala?
    • Mag-apply ng duplicate license
    • Mag-apply ng panibagong lisensya
    • Mag-file ng affidavit of loss at mag-apply ng duplicate license
  66. Ang dilaw na linyang tuluy-tuloy ay palatandaan na:
    • Maaring lumusot sa kaliwa o kanan
    • Bawal ang paglusot sa kanan
    • Bawal ang paglusot sa kaliwa
  67. Ang pulang bandera o pulang ilaw ay kailangan nakakabit sa anumang dala ng sasakyan na lalampas ng:
    • Isang metro mula sa likuran ng sasakyan
    • Tatlong metro mula sa likuran ng sasakyan
    • Dalawang metro mula sa likuran ng sasakyan
  68. Ano ang dapat mong dalhin kung magmamaneho ng sasakyan?
    • Lisensya, rehistro at resibo ng huling pinagbayaran ng sasakyan sa LTO
    • Lisensya
    • Lisensya at papel de seguro ng sasakyan
  69. Kung magpapatakbo ng mabagal sa expressway, dapat kang gumawi sa:
    • Gitnang linya
    • Kanang linya
    • Kaliwang linya
  70. Ano ang dapat mong gawin kung ang sasakyan sa likuran mo ay gustong lumusot (mag-overtake)?
    • Gumawi sa kanan at huminto
    • Magmarahan, gumawi sa kanan at bayaan itong lumagpas
    • Bumusina at hayaan itong lumagpas
  71. Hindi ka pinapayagang tumawid sa kabila ng buong dilaw na guhit, maliban kung ikaw ay:
    • Palikong pakaliwa
    • Palikong pakanan
    • Magpalit ng linya o daan
  72. Ang pagmamaneho ng walang lisensya ay ipinagbabawal ng batas at may kaparusahang:
    • Php 1000.00
    • Php 1500.00 at pagka-impound ng sasakyan nang hindi hihigit sa 10 araw
    • Php 1500.00
  73. Sa isang sangandaan/interseksyon na walang nakatalagang senyas trapiko, dalawang sasakyan ang dumarating, aling sasakyan ang may karapatan sa daan?
    • Ang sasakyang galing sa kanan
    • Ang sasakyang unang nagmarahan
    • Ang sasakyang galing sa kaliwa
  74. Ano ang kahulugan ng palasong nakapinta sa kalsada?
    • Sundin ang direksyong itinuturo ng palaso
    • Magmarahan
    • Maaaring lumipat ng linya
  75. Ano ang dapat mong gawin kung may ambulansya sa likod mo na may pulang ilaw at sirena?
    • Huminto kaagad
    • Dagdagan ang iyong bilis para hindi mo maabala ang ambulansya
    • Lumipat sa pinaka kanan ng kalsada at bumagal o huminto kung kailangan
  76. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Bawal pumasok
    • Magbigay ka
    • Huminto ka
  77. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Babala ng sangandaan
    • Delikado ang kurbada sa kanan
    • Delikado ang kurbada sa kaliwa
  78. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Papasok sa sangandaan
    • Sasanib sa trapiko pagpasok sa sangandaan
    • Papasok sa sangandaan na may kalsada sa gilid
  79. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Bawal pumarada
    • Bawal bumusina
    • Bawal ang likong pabalik
  80. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Madulas ang kalsada
    • Papalaki ang kalsada
    • Papaliit ang kalsada
  81. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Matarik ang pababang direksyon ng kalsada
    • Matarik ang kalsada
    • Matarik ang paakyat na direksyon ng kalsada
  82. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Matarik ang kalsada
    • Sirang kalsada
    • Ilog
  83. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Ang layo ng susunod na interseksyon ay 30 km
    • Nakatakdang haba ng sasakyan
    • Nakatakdang tulin ng sasakyan
  84. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Delikado ang kurbada sa kanan
    • Delikado ang kurbada sa kaliwa
    • Delikado ang kurbada sa unahan
  85. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Bawal pumasok
    • Huminto ka
    • Magbigay ka
  86. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Bawal dumaan ang tren
    • Daang tren
    • Babala ng sangandaan
  87. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Bawal pumasok ang jeepney
    • Bawal pumasok ang bus
    • Bawal pumasok ang kotse
  88. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Baku-bakong kalsada
    • Ginagawa ang kalsada
    • Madulas ang kalsada
  89. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Daang tren
    • Lugar ng paaralan
    • Lugar ng ospital
  90. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Bawal pumasok ang kotse
    • Bawal pumasok ang bus
    • Bawal pumasok ang sasakyang may nakakabit na trailer
  91. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Doble ang kurbadong delikado sa kaliwa
    • Doble ang kurbadong delikado sa kanan
    • Doble ang kurbadong delikado sa unahan
  92. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Bawal tumawid ang hayop
    • Kulungan ng hayop
    • Tawiran ng hayop
  93. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    1. Madulas ang kalsada
    2. Baku-bakong kalsada
    3. Matarik na kalsada
  94. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Bawal ang lumiko
    • Isang direksyon lamang
    • Bawal pumasok ang lahat na klase ng sasakyan
  95. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Babala ng sangandaan
    • Istasyon ng first aid
    • Babala ng daang tren
  96. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Bawal pumasok ang trak
    • Bawal pumasok ang bus
    • Bawal pumasok ang kotse
  97. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Bawal pumasok
    • Bawal pumasok ang anumang sasakyan na hihigit sa 2 metro ang luwang
    • Bawal pumasok ang anumang sasakyan na 2 metro ang luwang
  98. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Bawal pumarada
    • Bawal bumusina
    • Bawal pumasok
  99. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Sirang kalsada
    • Matarik ang kalsada
    • Panganib sa nahuhulog na bato
  100. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
    • Matarik ang kalsada
    • Madulas ang kalsada
    • Baku-bakong kalsada

We hope that this Tagalog LTO Exam Reviewer is able to help you get your license in the Philippines. Good luck! – WhatALife!


READ MORE:



GUIDE: How to apply for an LTO student license/permit in 2023?

GUIDE: Where to Get a Medical Certificate for LTO in 2023?

GUIDE: LTO Theoretical Driving Course

GUIDE: LTO Practical Driving Course



LIST: TESDA Driving Schools 2023

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *